Type Here to Get Search Results !

Adverstisement

Barko ng China, Itinaboy ng Philippine Coast Guard

Barko ng China, Itinaboy ng Philippine Coast Guard

MANILA, Philippines — 7 barko ng China, itinaboy ng mga tauhan ng Philippine Coast Guard o (PCG) sa West Philippine Sea.

Ayon sa post ni PCG kahapon sa social media, gusto nila ipakita kung paano nila sawayin ang mga barko ng china sa Sabina Shoal na may 73-milya mula sa Mapankal Point sa bayan ng Rizal, Palawan.

Bandang alas-9 ng umaga, Nagpakita ng ngi-pin ang mga tauhan ng Philippine Coast Guard (PCG) sa West Philippine Sea nang mamataan ng BRP Cabra (MRRV-4409), MCS-3002, at MCS-3004 ang pitong ‘unidentified foreign vessel’ na nakaangkla sa katubigan at kalauna’y napag-alamang mga China Maritime Militia Vessel (CMMV).

Sabi ng isang Babaeng crew ng Philippine Coast Guard o (PCG) sa 7 barko “This is Philippine Coast Guard BRP Cabra (MRRV-4409). You are within Philippine exclu-sive economic zone. You are requested to provide the following: Name of vessel, intention, last and next port of call on Channel 16,”

Naganap ang radio communication na ito sa kasagsagan ng joint maritime exercise ng  Bureau of Fi­sheries at Philippine Coast Guard (PCG) and Aquatic Resources (BFAR).

Nang hindi makatanggap ng sagot pag­kalipas ng tatlong radio communication, nilapitan ng BRP Cabra (MVVR-4409), MCS-3002, at MCS-3004 ang mga CMMV na agad namang nag-angat ng angkla at nagpaandar ng makina.

Sinundan ng  BFAR at PCG ang paglalayag ng mga barko para masigurong tuluyang aalis ang mga CMMV sa Sabina Shoal.

Source: Philstar

Tags