MAYNILA — Nagsimula nang maniket nitong Miyerkoles ang mga tauhan ng Quezon City sa mga bikers na walang suot na helmet alinsunod sa kanilang ipinasang ordinansa.
QC namigay ng 2,000 helmet sa mga siklistang madalas dumaan sa lungsod
Sa ilalim ng ordinansa, P300 ang multa sa first offense, P500 sa second offense, at P1,000 naman sa third offense.
Ang mga nahuli ay inatasang magtungo sa city hall sa loob ng 5 araw para magbayad ng multa. Ang mga hindi makasusunod ay kailangan nang humarap sa public prosecutor's office.
Ang record ng hindi pagbabayad ay lalabas din umano sa police at National Bureau of Investigation (NBI) clearance.
Depensa ng QC local government, 1 buwan silang nag-trial at nanita lang bago ganap na ipatupad ang ordinansa.
Umabot din daw nang higit 4,000 ang ibinigay nilang libreng helmet kaya wala na umanong palusot ang bikers.
Panawagan naman ng grupong Bikers United Marshalls, sana raw ay mas maigting pa ang pagtulong muna at simulan sa barangay level ang paghuli.
Hinikayat din nila ang iba pang LGU na mamahagi din ng mga bike helmet sa mga maralitang bikers.
Source: ABS-CBN - News
Engage with Us