Type Here to Get Search Results !

Adverstisement

Gadgets Para sa mga Mag-aaral 'Di Kailangan'

Gagawan umano nila ng paraan para maihatid ang naturang printed materials sa mga estudyante.

MANILA, Philippines — Kung sakaling matuloy ang klase sa agosto 24, hindi na kailangang ibili ng mga magulang ang kanilang mga anak ng gadgets para lamang makalahok ito sa alternative learning.

Ayon kay DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan, Gagawan umano nila ng paraan para maihatid ang naturang printed materials sa mga estudyante.

Naghahanda na sila ng mga printed learning materials para sa mga mag-aaral, na walang gadgets na kinakaila­ngan para sa alternative learning at wala ring access sa internet.

Dagdag ni DepEd Undersecretary Nepomuceno Malaluan “Kahit ho walang gadget at internet, kami po ay naghahanda rin ng mga printed learning modules at gagawan natin ng paraan na ihatid sa mga tahanan o kaya merong coordinated na pag-pick up nitong mga printed learning modules na ito,”

Sa Hunyo 1 hanggang 30 ay tuloy na umano ang enrollment ng mga mag-aaral, ngunit magsisimula ang klase ay nakatakda sa agosto 24,

Magsasagawa rin sila ng survey sa panahon ng enrolment sa mga magulang, upang matukoy ang pamamaraan ng pagtuturo na pinapaboran nila ngayong may pandemic.

Source: Philstar

Tags