Type Here to Get Search Results !

Adverstisement

Paano Gamitin Ang Oregano Laban Sa Mga Sakit Gaya ng Sipon, Ubo at Rayuma?

Oregano, ay isang halaman mula sa mint family o Lamiaceae na matatagpuan sa kanluran at timog-kanlurang bahagi ng Asya, Europa, at ng rehiyon ng Mediterrenean.

Ang Origanum Vulgare, na ms kilala sa tawag na Oregano, ay isang halaman mula sa mint family o Lamiaceae na matatagpuan sa kanluran at timog-kanlurang bahagi ng Asya, Europa, at ng rehiyon ng Mediterrenean. Ito ay popular sa maraming lahi at panig ng mundo dahil sa kakayahan nitong manggamot ng iba’t ibang mga karamdaman, na nagsimula pa noong malayong panahon. Mayroon itong malalambot na dahon na umaabot hanggang tatlong pulgada ang laki, at may mabango ngunit matapang na amoy.

Ang oregano ay kilala rin bilang mabisang pampalasa sa pagkain. Mayroon itong aroma at may kapaitan ang lasa ngunit kapag hinalo sa mga putahe ay tunay na napapasarap ito. Sa katunayan nga, sa bansang Italya na matatagpuan sa timog ng Europa ay napaka popular nito dahil ito ay hinahalo nila sa kanilang maaanghang na pagkain. Nakarating din ang oregano sa Estados Unidos matapos ang Ikalawang Digmaang Pandaigdig daigdig nang bumalik ang mga sundalong Amerikano na may dalang “pizza herb” o oregano galing sa Europe. Bukod sa mga lugar na ito, ang oregano ay popular din sa mga lutuin ng mg taga- South America at Mediterranean basin.

Sa Pilipinas man din ay popular ang halamang ito bilang isang pampalasa sa pagkain. Subalit sa bansang ito ay mas tinatangkilik bilang isang halamang gamot na nagpapagaling sa iba’t ibang uri ng karamdaman. Maraming gamit ang oregano pagdating sa larangan ng medisina dahil nagtataglay ito ng mga anti-oxidant na lumalaban sa mga free radicals naa sanhi ng cancer at iba pang abnormalities sa mga cells, anti-inflammatory na makakatulong sa  paggamot ng osteoporosis, anti-bacterial, anti-viral, at anti-fungal properties, na makakatulong gamutin ang iba’t ibang uri ng sakit. Bukod pa sa mga iyan, ang halamang gamot din na ito ay may taglay na Vitamin A at Vitamain C, maging ng flavinoids at sterols.

Sa kabuuan ng halaman, ang mga dahon nito ang maay pinakamalaking maiaambag sa larangan ng panggagamot. Maraming mga karamdaman na may kaugnayan sa respiratory system tulad ng bronchitis, hika at ubo ang posibleng magamot ng katas ng dahon ng oregano. Hindi lamang iyan kundi ang iba pang sakit tulad ng dyspepsia at rheumatism ay maaari ring masolusyunan gamit ang mga dahon ng halamang gamot na ito. Bukod pa rito ay naibsan din ng mga dahon nito ang mga pamamaga at sprains kung ilalagay ito sa bahagi ng katawan na apektado ng mga ito.

Maliban pa sa mga nabanggit na karamdamang ito na maaaring mapagaling ng dahon nh oregano, marami pang isinagawa, at patuloy pang isinasagawang mga pag-aaral upang mapalawak at may matuklasan pa na posibleng maging gamit ng halamang ito sa pagtulong sa mga karamdaman. Ilan sa mga natuklasan sa mga pag-aral na ito ay ang posibilidad na mapagaling ng oregano ang pananakit ng tainga o ear ache, maging ang pananakit ng tiyan o kalamnan. Bahagi rin ng mga pag-aaral na ito ay napatunayan na nagbibigay ginhawa rin ang oregano sa mga bata at sanggol na mayroong lagnat, ubo at sipon, maging sa mga taong mayroong pigsa. Bukod pa dito, sinabi rin ng mga eksperto na kayang ibsan ng oregano ng pananakit ng lalamunan o mas kilala bilang sore throat.

Para magamit at mapakinabangan mo ang pregano para gamutin ang iba’t ibang kondisyon ng kalusigan ay marami kang paraan na maaaring subukan. Mayroong kaniya kaniyang mga hakbang na dapat mong gawin sa iba’t ibang karamdaman na gusto mong gamutin. Hakimbawa na lamang, kung gusto mong pagaanin ang nararamdaman mo o ng mahal mo sa buhay na ubo at sipon, magpakulo ka lamang ng tatlong tasang tubig at pagkatapos ay lagyan mo ito ng ilang piraso ng dahon ng organo. Matapos ang labinlimang minuto ay hanguin mo ito at saka inumin ng tatlong beses araw araw upang ikaw ay gumaling.

Kung ikaw naman ay pinahihirapan ng iyong mga kasukasuan dahil sa pananakit ng mga ito, o kaya naman kung ikaw o ang iyong kakilala ay matanda na at nakakaranas na ng rayuma at arthritis, huwag mag-alala dahil matutulungan ka rin ng halamang gamot na oregano. Ang tanging kailangan mong gawin ay pigain ang mga dahon ng oregano upang makuha ang katas nito at saka inumin ng tatlong beses kada araw, tuwing pagkatapos kumain. Dahil puro ito at hindi mo hinaluan ng kahit na ano ay magiging mapait ang lasa nito. Subalit mapakla man ang lasa nito, sigurado naman na magkakaroon ng kaginhawaan ang iyong iniindang pananakit ng mga buto.

May mga pagkakataon na kapag ang mga bata ay naglalaro, sila ay nagkakasugat o kaya naman nakakagat ng mga insekto nang hindi nila namamalayan. Pero mga nanay, wala kkayong dapat ipag-alala dahil pwede ninyong gamitin ang dahon ng oregano upang magamot ang inyong mga anak. Ang mga sugat ay pwede ninyong i-disinfect sa pamamagitan ng pagpapahid ng dahon ng oregano dito. Gayundin kung ang inyong anak naman ay may insect bite o kaya naman ay pigsa. Dikdikin mo lamang angg dahon ng halamang ito at saka ilagay sa bahagi ng katawan na apektado. Hindi mo na ito kailangan pang ilagay sa bimpo at ipahid o kung ano pa man, ilagay mo na lamang ito ng direkta kung saan may kagat ng insekto o kaya pigsa.

Ang oregano ay isa lamang sa napakaraming halamang gamot na tinatangkilik at ginagamit ng maraming tao upang gamutin ang kanilang mga karamdaman. Walang masama na uminom o kumain ng mga herbal medicine na ito kahit hindi ka nagpakonsukta sa doktor, lalo pa kung ito’y napatunayan naman na sa maraming mga pag-aaral. Subakit, huwag rin tayong pakasiguro na dahil tayo’y uminom na ng alternative medicine ay tuluyan na tayong gagaling. Mahalaga pa rin na tayo komunsulta sa doktor uoang mabigyan tayo ng tamang diagnosis ng ating sakit, at maresetahan tayo ng mga tamang gamot. At kung tayo ay may gamot na ibinigay ng doktor ay huwag na nating sabayan ito ng mga herbal medicine dahil baka ikaw ay magkaroon ng komplikasyon.

Dapat din nating matutuhan na ang pag-inom ng halamang gamot, tulad ng gamot na inireseta ng mga doktor, ay maaari ring magkaroon ng mga side effects sa atin. Kaya, mahalaga na kung ikaw ay nagpa- check up ay ipaalam mo da iyong doktor kung uminom ka ba ng herbal medicine uoang malaman din niya kung anong gamot ang ibibigay sayo na hindi magpapaigting pa sa mga side effects.
Tags