Mga Delikadong Sakit Na Pwede Nyong Makuha Sa Sobrang Pagkain ng Hotdog
Sunday, January 17, 2021
Kahit sinong tao ay hindi talaga maipagkakaila na isa sa mga pinakamadalas at pinakagusto nilang gawain na kahit kailan ay hinding hindi nila mapapagod na gawin ay ang pagkain ng iba’t ibang klase ng mga putahe ng pagkain na siyang matatagpuan sa lamesa. Ito ay mayroong kakayahan na tulungan ang katawan na malagpasan at maibsan ang gutom na nararamdaman at ito rin ay nakapagbibigay ng lakas na siyang kinakailangan ng katawan upang magawa ang mga gawain na kailangang tapusin para sa pang araw araw. Ang mga pagkain na siyang pumapasok sa loob ng bibig ng tao ay nakakapagbigay din ng mga nutrients at vitamins na siyang nakatutulong upang malabanan ng katawan ang iba’t ibang uri ng mga sakit na maaring dumapo sa katawan at makapagdulot ng biglaang paghihina. Kaya’t hindi mapagkakaila na ang pagkain ay lubhang mahalaga para sa isang indibidwal.
Mayroong napakaraming klase ng pagkain na maari mong matagpuan sa iyong paligid, nariyan ang mga prutas, gulay, isda, karne at iba pang mga pagkain na siyang nakakatulong upang mas mapaganda pa ang katawan at makatulong din sa pagpapabuti ng kalusugan. Ang mga uri ng pagkain na ito ay mas sumasarap depende na lamang sa kung paano mo ito lulutuin. Kung iisipin, madalas na iisang uri lamang ng putahe ang pinipili ng mga tao sa tuwing sila ay kumakain sa mga restaurants, lalong lalo na kapag hindi naman ito gaanong kilala at ibang klase ang mga pagkain na kanilang inihahain at kadalasan isa na rito ang pagkain na kilala ng parehas na matatanda at mga bata, ang hotdog.
Ang pagkain na ito ay maaring kainin ng kahit na sino, ito ay paborito ng mga bata at madalas din kainin ng mga nakakatanda. Ang pagkain na ito ay madalas na kinakain sa kahit na anong oras, mapa umagahan, tanghalian o maging gabihan ay maari mo itong ihain sa inyong hapag kainan. Hindi natin maipagkakaila na masarap naman talaga ang hotdot at bukod pa riyan, napakadali lamang nitong lutuin, kinakailangan mo lamang ito iprito o pakuluan sa loob ng ilang minuto at maari mo na itong kainin o maari mo ring ipalaman sa kahit na anong tinapay. Ngunit sa kabila ng masarap na lasa na taglay ng ulam na ito, lingid sa kaalaman ng nakararami na ito rin ay nagtataglay ng masamang epekto para sa kalusugan at katawan ng kahit na sino, lalong lalo na ang mga bata na madalas kumain nito.
Sa artikel na ito, aming ibabahagi sa inyo ang mga negatibong epekto na maaring idulot ng pagkain ng hotdog sa inyong katawan. Nararapat lamang na malaman ito ng mga tao upang maiwasan na nila ang madalas na pagkain nito kung hindi talaga nila kayang pigilan ang kanilang sarili sa pagkain nito.
NARITO ANG MGA NEGATIBONG EPEKTO SA KATAWAN NG PAGKAIN NG HOTDOG:
Mayroong iba’t ibang mga pagaaral na siyang nagsasabi na ang hotdog ay maaring magdulot ng malubhang sakit
Ayon sa pagaaral na siyang isinagawa ng mga eksperto at mga mananaliksik, napagalaman na ang mga tao na madalas kumain ng hotdog na nasa mahigit kumulang labing dalawang (12) piraso ng hotdog sa loob lamang ng isang buwan ay nagtataglay ng malaking porsyento na magkaroon ng malubhang sakit kagaya na lamang ng leukemia o ng kanser sa dugo.
Ang hotdog ay nagtataglay ng mataas na antas ng sodium ng dahil sa mga preservatives na siyang ginamit dito o ang mga kemikal na siyang nagpapatagal sa buhay ng pagkain na ito
Ang sodium na siyang taglay ng hotdog ay lubhang mataas dahil ito ay mayroong mga preservatives at kilala ito bilang isa sa mga processed foods. Kung iisipin, ang sodium na mayroon ito ay maaring maging dahilan ng pagbuo ng mga kidney stones na kilala bilang isang uri ng sakit sa bato na maari magresulta ng pagkahirap sa pagihi o maging ang pagkaranas ng sakit o ng kirot sa tuwing ikaw ay iihi.
Ang hotdog ay nagtataglay ng sobrang daming antas ng fats kung ikukumpara sa iba pang mga pagkain na siyang idinadaan sa proseso
Kapag ang pagkain na ito ay madalas mong kainin, panigurado na ikaw ay magkakaroon ng taba sa iyong tiyan na hindi mo magugustuhan. Kaya’t kung gusto mong pumayat o bumaba man lang ang antas ng iyong timbang, bawasan mo na simula ngayon ang pagkain nito kung hindi mo talagang magagawang tigilan ang pagkonsumo ng hotdog.
Ayon sa ilang pagaaral na siyang isinagawa ng mga eksperto at mananaliksik, ang preservatives na siyang ginagamit sa mga hotdog upang makuha nito ang sariwa at pulang pulang kulay nito ay nagtataglay ng sobrang daming antas ng nitrites. Ang nitrites ay isang klase ng kemikal na siyang kilala dahil ito ay delikado lalong lalo na kung ito ay ihahalo sa isa pang uri ng kemikal na amine. Ang mga kemikal na ito ay nakukuha kapag ang mga pagkain ay idinadaan sa proseso ng pagprito, ito rin ang kadalasang rason kung bakit nagkakaroon ng sakit na leukemia o mas kilala bilang kanser sa dugo at maging ilang uri pa ng kanser kagaya ng kanser sa tiyan, kanser sa atay at kanser sa esophagus.
Bukod pa riyan, ang mga hotdog din ay nagtataglay ng sobrang daming bilang ng sugar na siyang kadalasang dahilan kung bakit nagkakaroon na diabetes at kung bakit nagkakaroon ng langis na siyang nagdudulot ng masamang epekto para sa kalusugan ng puso, purines na nakakapagdulot ng parehas na arthritis at rayuma. Ang masarap na lasa ng paborito mong pagkain na ito ay pansamantala lamang dahil sa likod ng lasa nito ay nagtatago ang mga sakit na maaring magpaikli ng iyong buhay.
Upang maiwasan ang mga ganitong klase ng mga sakit, hindi mo naman kinakailangan na hindi na talagang kumain ng hotdog dahil hindi naman lahat ng uri nito ay mayroong sobrang daming antas ng nitrites. Mayroon din namang ilang klase ng mga hotdog na organic at hindi nakakatakot kainin sapagkat hindi nagtataglay ng negatibong epekto sa para sa kalusugan at katawan ng tao. Hangga’t maari, bawasan na lamang ang pagkonsumo sa mga ito.
Ang hotdog na siyang nagtataglay ng sobrang kulay na pula ay iyong masasabi na nagtataglay din ng lubhang napakaraming antas ng nitrite samantalang ang hotdog naman na medyo maputla ay masasabing ligtas kainin. Wala naman talagang problema sa pagkonsumo ng mga hotdog, nagkakaroon lamang ng problema kung madalas at sobra ang pagkain sa mga ito.
Ang kalusugan ng tao ay talagang napakaimportante, ito ang yaman na kahit kailan ay iyong iingatan at hindi ipagpapalita sa kahit na ano mang bagay. Kaya nararapat lamang na ito ay bigyan ng halaga, ingatan ng maayos at huwag hahayaang dapuan ng kahit na anong uri ng sakit. Kung tutuusin, mas nararapat na dalasan moa ng pagkain ng parehas na prutas at gulay kung nais mong mas humaba ang iyong buhay. Ilayo mo ang iyong sarili sa problema at simulant mo na ang pumumuhay ng isang malusog, masustansiya at mahabang buhay upang sa huli ay hindi ka magsisi.
Tags
Engage with Us