Ang pagkakaroon ng sakit sa isang hindi malamang dahilan ay sadyang nagdudulot ng isang malaking kwestyon sa ating pagkatao. Ito rin ay nagdudulot ng kakaibang klase ng pangangamba at lungkot dahil kung iisipin mo pa lamang ay magdudulot na ito ng perwisyo hindi lamang sa iyong katawan kung hind imaging sa iyong normal na buhay at pang araw araw na gastusin.
Ang breast cyst ay kilala bilang isang klase ng benign lumps o sacks na siyang puno ng tubig at ito ay kabaligtaran ng ibang klase ng mga lumps na kung saan puno ng mga lubhang delikado at mga nakaka cancer na mga cells. Mayroong mga pagkakataon na nagiisa lamang ito ay mayroon din naman na kung saan sila ay marami at hindi mabilang sa isa o sa dalawang suso. Ang breast cyst ay karaniwang nangyayari sa mga kababaihan na nasa edad na 30 hanggang sa 60. Hindi rin naman ganun kadali upang malaman kung sino sa mga kababaihan na ito ang makararanas ng ganitong klaseng sakit.
Mayroong iba’t ibang klase ng mga dahilan kung bakit ito nangyayari sa mga kababaihan at ang pangunahing dahilan kung bakit ito nangyayari at lumalabas ay dahil sa mga hormones at madalas itong nangyayari sa mga babaeng nasa menopausal at post-menopausal stage at sa mga kababaihan na kasalukuyang dumaraan o dumaan na sa hormone replacement therapy. Ang iba pang mga klase dahilan ay katulad na lamang ng kakulangan ng Vitamin D sa katawan at maging ang sobrang pag inom ng mga inumin na mayroong caffeine na nilalaman at higit sa lahat ang madalas na pag inom ng mga inuming may halong alkohol.
Kapag ikaw ay isa sa mga tao na talagang lubos na nag aalaga kung sila ay mayroong ganitong klase ng cyst sa kanilang suso, maari kang pumunta at dumalaw sa iyong doktor upang maagapan at madaliang maalis ang laman na tubig neto sa loob, ngunit dapat mo ring pagkatandaan at malaman na maari itong mapuno ng tubig sa ilan pang ulit na pagkakataon. Maari ka ring sumailalim sa isang operasyon ngunit ang bagay na ito ay madalas na huling pinapagawa sa mga kababaihan kapag wala na talagang iba pang bagay na maari gawin para sa sitwasyon ng iyong cyst at kung ito ay lubhang malala na rin.
Sa kabilang banda, mabuti na lamang at mayroong mga natural at mabisang mga pamamaraan at mga panlunas na siyang lubhang makatutulong sa pagkawala ng mga cysts na ito at nakatutulong din upang mapalakas ang katawan na siyang natuklasang ligtas at talagang mabisa para sa napakaraming kababaihan hindi lamang sa Pilipinas kung hindi maging sa buong mundo.
NARITO ANG ILAN SA MGA PAMAMARAAN NA IYONG MAARING GAWIN:
1.WHEAT JUICE
MGA KAKAILANGANING SANGKAP:
- Ice cube container
- sariwang dahon ng green wheat
PAMAMARAAN NG PAGGAWA:
Ang kailangan mo lamang gawin upang makalikha ng ganitong klaseng natural na gamot ay dikdikin ng mabuti ang isang kumpol ng green wheat leaves upang makuha ang kanilang katas o siyang tinatawag na juice. Pagkatapos ay ilagay mo ang juice na ito sa isang ice cube container at ito ay iyong ilagay sa inyong pridyeder upang lumamig hanggang sa ito ay maging yelo.
Maglagay ka lamang ng isang piraso o dalawa ng ice cube na ito sa isang baso ng tubig na iyong iinumin tuwing umaga sa loob ng halos tatlong buwan. Ang pang araw araw na paginom nito ay lubhang napaka epektibo dahil ang green wheat leaves ay mayroong tinataglay na mayamang halaga ng amino acids, minerals at ilang vitamins. Ito rin ay natuklasan na lubhang mabisa sa pagsugpo ng hindi lamang breast cyst kung hind imaging ang pagsugpo ng parehong ovary at kidney cysts.
2.MIXED TEA
MGA KAKAILANGANING SANGKAP:
- Mint
- Elderberries
- Mistletoe
- Calendula
- Yarrow
- Tubig
PAMAMARAAN NG PAGGAWA:
Ang kailangan mo lamang gawin upang makagawa ng ganitong klase ng natural na pang gamot ay ihalo ang lahat ng sangkap sa tubig at ito ay iyong lutuin hanggang sa ito ay tuluyan ng kumulo. Ang panlunas na ito ay may kakayahang umabot hanggang sa anim na buwan bago ka makakita ng resulta pero wag kang magalala dahil ito ay kilala bilang napakaepektibong gamot. Ang mga halaman na matatagpuan sa resipe na ito ay may kakayahang makatulong upang mapalakas ang iyong immune system, makapagpababa at makapagpawala ng pamamaga at mapigilan ang tuluyang paglaki ng mga tumor sa katawan.
Ang nirerekomendang dami ng pagkunsumo ng gamot na ito ay isang litro kada isang araw ng hindi lalampas sa anim na buwan. Importante rin na iyong isa-alang alang ang iyong kalusugan kaya marapat lamang na kumain ka ng mga malulusog at balanseng dami ng masusustansyang pagkain habang ginagawa o iniinom mo ang panlunas na ito. Iwasan mo rin ang mga hindi magagandang gawain katulad na lamang nag pag inom ng alak at paninigarilyo at maging ang pagkain ng mga produkto na sagana sa dairy. Upang madagdagan pa ang bisa na taglay nito, maglagay ka ng kaunting patak ng sage, yarrow, mistle toe at lemon balm sa gamot na ito. Ang mga pinatak mon a ito ay makatutulong upang mapakalma moa ng iyong katawan kasabay ng pagtaas ng parehas na stress at tension.
3.HOUSELEEK
Ang pagkaraniwan at hindi gaanong kilalang halaman na ito ay nagtataglay ng lubhang napakaraming pakinabang hindi lamang para sa iyong katawan kung hind imaging sa iyong kalusugan. Ito ay may kakayahang makatulong upang masugpo ang napakaraming bilang ng mga sakit katulad na lamang ng breast, kidney at ovary cysts.
MGA KAKAILANGANING SANGKAP:
- 300 grams ng dahoon ng houseleek
- 300 grams ng natural na honey
PAMAMARAAN NG PAGGAWA:
Ang kakailanganin mo lamang gawin ay hugasan ang mga dahoon ng houseleek at ito ay iyong dikdikin ng mabuti hanngang sa ito ay magpino. Pagkatapos ay ihalo mo ito sa 300 grams na natural na honey. Haluin mo ng mabuti ang dalawang sangkap na ito at ilagay mo sa isang babasagin na jar pagkatapos. Ilagay mo rin ito sa isang pridyeder sa loob ng isang linggo at minsanan mo rin itong haluhin. Ang nirerekomenda na dami ng pagkunsumo nito ay isang teaspoon lamang sa loob ng 3 beses sa isang araw, bago ka kumain ng almusal, bago ka rin magtanghalian at maghapunan.
Pumili ka lamang ng isa sa mga pamamaraan na ito upang malunasan ang sakit na iyong nararamdaman at maiwan ang paggastos ng malaki sa mga ospital. Alagaan mo rin ng mabuti ang iyong pangangatawan, kumain ng mga masusutansyang pagkain at iwasan ang mga klase ng bisyo na wala namang magandang maidudulot dito. Maari mo ring ibahagi ang artikel na ito upang makatulong din sa iba pang tao!
Engage with Us